Hide and Seek

Sunday, August 26, 2007

Nakausap ko sa Hesus

tanging ang kulisap lamang
ang nasisiyahan sa liwanag
na nagmumula sa lampara.
Habang ang bawat galaw
ng guhit ng relo
ay malakas na naririnig,
ang dilim naman ay nagbabanta
ng matinding kalungkutan.

Saglit kinuha ang isang kahon,
nangangapa man sa dilim
ay huling-huli pa rin.
Buti rin, tahimik na ang lampara,
wala na rin ang kanina’y
naglalarong insekto.
Binudbod ang puting bagay
mula sa supot
at sinimulan ang nakagawiang orasyon.

Lalong tumahimik ang silid,
iginala ang mga tirik na mata
tumigil na ang galaw ng orasan
namatay na rin ang liwanag
lumulutang ang katawan
pataas ng pataas...

Saglit pa’y may napansing
mukhang nakaguhit sa may dingding,
nakakahilakbot ang hitsurang tumambad
na misan sa paniginip ay hindi mawari,
ang bawat patak ng dugong umaagos mula
sa sugat ng kanyang mukha
ay nakakatakot.

Natagpuan ko ang aking
sariling umiiyak sa awa, sa takot, sa galit
”ikaw nga Hesus!”
ang simula, ang hangganan, ang katapusan
ilan pang tulad ko and magiging ganito?
Ngayon, ibabalik ko ang tanong mo noon?
”Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”

Posted by alfred :: 11:54 PM :: 0 Comments:

Post a Comment

---------------------------------------